Download May Dalawang Uri Ng Kaantasan Ang Paghahambing PDF

TitleMay Dalawang Uri Ng Kaantasan Ang Paghahambing
File Size198.8 KB
Total Pages10
Document Text Contents
Page 1

May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing:

1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay

may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing,

magkasing okaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.





2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may

magkaibang katangian. May dalawa itong uri:



a. Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang

nglalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino





b. Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,

gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak.



"ANG ALAMAT NG MINA SA BAGUIO"

Tinipon at iginuhit ni Boy F. Madriguera



Matagal na panahon na ang nakaraan, may isang kabataang lalaki na labis na

iginagalang ng matatanda. Siya ay si Manto. Pinamumunuan niya ang isang nayon ng

mga Igorot na kilala sa tawag na Suyok. Bukod sa malakas ay matapang si Manto kaya

naman mataas ang pagtingin sa kanya maging ng matatandang pantas.



Ang Suyok ay isang tahimik na komunmidad kung saan may tapat na malasakit sa

kanilang kapwa ang mga naninirahan ditto. Malaki ang takot nila sa kanilang Bathala

kung paanong malaki rin ang kanilang pagmamahal ditto dahil sa tuwina ay maganda

nilang ani. Isa sa paraan nila ng pagpaparangal sa mga anito ay ang pagdaraos ng

kanyao.

Halong lingo-linggo ay nagdaraos ng kanyao ang mga taga-Suyok. Nagpapatay sila ng

mga baboy-ramo na kanilang inihahanda. Nagsasayaw sila at umaawit bilang papuri sa

mga anito.

Page 3

“Makakakita kayo ng isang uri ng punongkahoy na hindi pa ninyo nakita sa buong

buhay ninyo. Maaari ninyong kunin ang bunga nito pero hindi ninyo maaaring galawin o

sugatan man lang ang katawan nito,” mahigpit nitong bilin.



Ang lahat ng ibinilin ng matanda ay mahigpit na tinupad ng mga taga-Suyok.

Pagkaraan ng tatlong araw ay bumalik sila sa lugar kung saan nagpakita ang matanda.

Makaraan nilang alisin ang pagkakataklob ng palayok ay nakita nila ang isang munting

punongkahoy. Kakaiba iyon dahil isa itong gintong punongkahoy! Mula sa ugat

hanggang sa pinakamaliit na sanga at dulo ng mga dahon ay lantay itong ginto.

Nagdiwang ang mga tao. Malaking kayamanan ang dumating sa kanila at labis-labis ang

kanilang ligaya.



Unti- uni, ang mga nasasakupan ni Manto na dating simpleng mga tao ay nagging

mapag-imbot at mga sakim. Nawala ang pagbibigayan at pagmamalasakitan.

Samantala ay patuloy sa pagtaas ang puno. Ilang panahon pa at mabilis nitong pagtaas

ay halos umabot na ang dulo nito sa langi.



Nag-usap ang mga taga-Suyok. Pinagmitingan nila kung ano ang pinakamainam na

gawin sa puno. May nagpanukala na putulin na ito at paghatian ng lahat ng tagaroon.

Naging mahirap na kasi sa kanila ang pag-akyat ditto para kunin ang mga bunga nito at

mga dahon.

Pinigil ni Manto ang mga Igorot. Ipinaalala niya ang tungkol sa bilin ng matanda. Pero

sa pagkakataong iyon, nangibabaw na ang kasakiman ng mga tao at ayaw nang making

sa kanya.



Hindi napigil ni Manto nang kunin ng kalalakihan ang kanilang mga itak at mga

palakol. Ang iba naman ay kumuha ng matalas na sibat. Tinaga ng iba ang puno para

mabuwal ito. Ang iba naman ay pilit na pinaluwag ang lupa sa pagitan ng mga ugat ng

puno. Tuwang-tuwa ang mga tao dahil malapit nang mabuwal ang puno. Pero gayon na

lang ang sindak nila nang biglang kumidlat ng napakatalim at kumulog ng ubod-lakas

kasabay nang pagbuwal ng puno. Nayanig ang lupa at bumuka sa mismong binagsakan

ng puno.



“Ginantimpalaan ko ang inyong kabutihan, pero ano ang inyong ginawa? Ibinigay ko sa

inyo ang gintong puno upang umunlad ang inyong buhay. Sa halip, ito pa ang naging

sanhi para sumama ang inyong mga ugali, maging sakim at mawalan ng pagmamahal

sa kapwa. Sa ginawa ninyo ay parurusahan ko kayo.”

Page 4

Dahil sinaktan ng mga taga-Suyok ang puno, anang matanda ay hindi na nila ito basta

makikia. Kailangan daw paghirapan ng mga tao ang paghuhukay bago muling

makakuha ng ginto. Napagmaang na lamang ang mga taga-Suyok nang Makita nila ang

unti-unting paglulon ng lupa sa gintong puno.



Mula noon, nakukuha lamang sa pamamagitan ng paghuhukay ng lupa ang mga minang

ginto sa Baguio.




Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na
nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng
Monawon.

Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin.
Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo
doon.
Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili
ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta.

Hindi mo naiintindihan, Tuwaang.

Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko

makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon.

Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda
siya sa pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng
mga diyos para sa kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na
maaaring makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang kanyang espada
at panangga at isang mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa kidlat
at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay
natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon.
Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na
niya ito. Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na
pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan.

Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay
ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon

Page 8

http://tl.wikipedia.org/wiki/Mayo
http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Santakrusan&action=edit&redlink=1
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay#cite_note-Mamsha-2
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay#cite_note-tl-3
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pangngalang_pambalana
http://tl.wikipedia.org/wiki/Panghalip
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pangngalang_pantangi

Page 9

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay#cite_note-Mamsha-2
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sandiganbayan
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay#cite_note-Mamsha-2
http://tl.wikipedia.org/wiki/Oo
http://tl.wikipedia.org/wiki/Timbang
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sukat
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay#cite_note-Mamsha-2
http://tl.wikipedia.org/wiki/Paggalang
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay#cite_note-Mamsha-2

Similer Documents